Namimiss ko na siya. Sobra-sobra. May tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula nang kami ay magkahiwalay. Masakit isipin na hindi man lang niya ipinaglaban ang relasyon namin. OO, ako ang nakipaghiwalay pero tinanggap nya lang yon. At hindi sya umimik. Tinanggap niya lang at saka din siya agad-agad na umalis. Para bang walang naganap na relasyon. Ganun niya yun nilisan —para bang wala na siyang pakialam.
Bawat minuto sa oras-oras ng araw-araw, naaalala ko siya. Pero ang araw na ito ay kakaiba. Namimiss ko na talaga siya at ito ang araw na kailangan talagang makita ko siya. Hindi ko na kaya at ayoko nang kayanin pa. Kailangan - daig pa sa lamang-tiyan. Kailangan ko siyang makausap, makita at isang ambisyosang paghahangad na sana ay mayakap ko siyang muli.. na sana, sana lang talaga bumalik siya sa akin.
Hinanap ko sa internet ang address ng bago niyang pinagttrabahuhan sa Ortigas. Hindi ako magaling makatunton ng lugar. Sabi nga ng matalik kong kaibigan, wala daw akong sense of direction. Mabilis akong maligaw at may katangahan ako pagdating sa mga ganyan. Dahil hindi na mapakali ang katawang-lupa ko sa pagpunta sa kanya, kinopya ko pa din ang address, bahala na kung saan at paano ko ito pupuntahan.
Saktong alas-dos ng hapon, naka-abang na ako sa bundy clock. Isa lang ang alam ko sa salitang Ortigas - yun ay katabi ng Shaw Blvd station. Dun ako bumaba dahil balak ko rin nman lakarin lang para maisa-isa ko ang mga building doon. Siguro pampatanggal ko na rin ng kaba yung paglalakad.
Di ko masukat ang sabik ko na makita siya. Gayunpaman, merong parte sa puso ko na gusto kong magkaroon ng delay ang pagpunta ko. Yun bang may pumigil man lang. Kaso wala eh. Siguro panahon na din nman.
Si God lang ang kausap ko nun. Nananalangin ako sa Kanya na gabayan niya ang magiging pag-uusap namin at kung anumang kahinatnan nito, ihanda Niya ako. Alam kong sasaluhin ako ni God kahit anong mangyari. Yun ang sigurado ako. Malakas ang loob ko dahil alam kong kasama ko Siya.
Natunton ko din ang building. Alas-tres pa lang ng hapon. Masyado akong maaga para sa uwian niyang alas-singko.
Dalawang oras akong nag-antay. Nakatayo. Kinakabahan. Di mapakali. Di ko maramdaman ang gutom at ngawit sa paa. Di ko alam kung paano ko sisimulan ang pakikipag-usap sa kanya. Di ko alam kung maayos ang itsura ko na haharap sa kanya. Ni hindi ko makuhang pumunta sa wash room para i-check ang itsura ko. Pakiramdam ko ang dungis ko kasi naglakad ako. Pakiramdam ko ang baba ng pride ko. Dapang-dapa na.
Nagtataka na sa akin ang guwardiya kasi kanina pa ako nandun. Nakatitig sa pangalan ng mga companies na nakapaskil sa likod niya. Nakatitig lang ako sa Company A.
“Maam, san ho kayo?”
“May inaantay lang po ako kuya. 5pm pa ang labas nung mga taga-Company A diba?”
“Ah oo, mamaya pa yun!”
Manhid na ang paa ko. Inikot ko ang building na yon para di na maalibadbaran saken si manong guard. Napadaan ako sa bandang likuran at napansin kong pwede pala umexit dun ang mga empleyado pagkababa ng elevator. Binalikan ko si manong guard.
“Kuya, pagbaba ng elevator ng mga employees, saan sila usually lumalabas? Sa harap or sa likod?”
“Depende sa kanila maam. Pwede ho kahit saan. May sakayan kasi papuntang Junction dyan sa likod. “
Yun na. Sa likod ang daan niya. Isang oras pa, nauubusan na ako ng gagawin.
15 minutes before 5pm. Tumayo na ako sa harap ng elevator at nag-aabang kung hihinto ito sa 8th Floor para kumuha ng pasahero. Mailap.
Napansin na nman ako ni Manong Guard.
“Maam, sige na akyatin mo na.”
“Eh baka ho magkasalisi kami eh.”
“Para alam mo na kung sang elevator siya sasakay.”
Na-appreciate ko ang concern ni manong. Sa dami ng mga taong pinaaalis niya sa may lobby, naramdaman kong may tiwala siya sken dahil nagpapasok siya ng outsider sa loob ng isang opisina. Marahil ayaw niya din masayang ang effort ko ng pag-aantay. Dahil literal na di ako natitinag sa pagkakatayo ko. Marahil din nakita niya ang nangangamba at di ko mapakaling kilos habang nag-aantay. Buti pa si manong, napansin ang effort ko.
Pagkatapos humugot ng lakas ng loob mula kay manong, saktong 5pm nagpasiya na akong akyatin siya. Pinindot ko ang 8th Floor button. Huminto ang elevator sa 5th at 7th at napuno ito ng pasahero. Mga empleyadong gusto nang makasakay para makababa agad kahit hindi pa pababa ang elevator.
Shet, puno na. Paano na siya makakasakay? At paano din ako makakababa. Napunta ako sa dulo dahil sa mga taong ito.
8th Floor. Ding!
Sa isang iglap, bumukas ang pinto at nakabungad siya. Masaya siyang nakikipagtawanan sa mga katrabaho niya. Nakita niya ako na nakasiksik sa dulo. Nagshift ang mukha niya mula sa pagkakahalakhak napunta sa parang gulat na di mo malaman. Tinuro niya ako. Tinuro ko siya. Naghiyawan ang mga katrabaho niya. Sumara ang pinto ng elevator. Walang pumasok at walang ring bumaba.
Sa mabilis na segundong yun, nilingon ako ng mga kasabay ko sa elevator. Napangiti lang ako. Nakakatawa ang pangyayari dahil rinig pa din ang hiyawan nung mga nasa labas.
“May love life ka na!!” hiyaw nung isa..
May love life “na” siya? So ibig sabihin, dineclare niya sa opisina nila na single siya mula nung nag-umpisa siya dun. Kahit nag-umpisa siya na kasama niya ako.. :( Tamang hinala na nman ako.
9th floor - may bumaba. Nabawasan ang pasahero.
8th floor. Bumukas ulit ang pinto. Tinulak siya ng mga ksamahan niya papasok sa elevator. Siya lang ang pinasakay. Inabot nya ang kamay niya sa akin. Inabot ko din nman. Pinaraan sya ng mga tao sa harap ko para magkatabi kami sa likod.
Magkatabi na kami. Sobrang saya ko. Nakita ko siya ulit. Ngumiti siya sakin.
“Dalaga na talaga ang honey ko ah! Pano mo nahanap to?”
“Di ko din alam pano ako napadpad dito eh, naglakad-lakad lang ako.”
“Tsk, big girl ka na.” Pabiro niyang sabi.
Ramdam kong natuwa siya na pinuntahan ko siya. Natuwa ako dahil tinawag niya pa din akong “honey” nya. Namiss ko yun. Spark of hope. Kahit alam kong habit na lang yun, pero sana talaga hindi.
Pagbaba ng elevator, dumaan kami sa likod. Hindi ko na nakita si manong guard para magpasalamat.
Dinala niya ako sa Jollibee. Yun lang kasi ang meron dun.
“Kumain ka na ba?”
“Ayokong kumain.”
“Lika kain muna tayo.”
Ang awkward bigla. Di ko alam kung bakit. Parang all of a sudden, we are complete strangers. Hindi na kami at ease sa isa’t isa. No holding hands. May distansya.
Di na niya tinanong kung anung gusto ko dahil alam naman niya. Umorder lang siya habang ako naman nakaupo at pinagmamasdan siya.
Gahd, namiss ko siya. Lahat ng parte ng katauhan niya namiss ko. Yung view niya na nakatalikod, naka-sideview. Suot niya ung pantalong bigay ko, pero bago ang shoes niya. Suot niya pa din ang paborito niyang relos na bigay ng kuya nya sa US.. at may kakaiba akong nakita — meron siyang singsing. Nakakapagtaka na sa anim na taon naming magkakilala, ngaun lang siya nagsuot ng singsing.
Umupo siya sa harap ko — kakaiba din dahil lagi kami magkatabi pag kumakain.
**”San tayo kakain, hon?”, “Kahit saan basta sa tabi mo..”**
“Dito na lang ako para magkaharap tayo.” —defensive niyang sabi.. Ngumiti lang ako..
“Kamusta ka na?” inunahan ko siya..
“Okay naman, eto sumusweldo na.. Ikaw, may boyfriend ka na noh?”
“Wala ah, you’re still the one.” -di ko na napigilan ang sarili ko.. natawa ako sa pagka-cheesy ko..
Natawa lang din siya, sabay subo sa fries..
“Ikaw?” pahabol kong tanong..
“Hmp, wala muna.. gusto ko muna magfocus sa career. Nagsstart pa lang kasi ako.. ” Gusto kong maniwala.
“Ows? May singsing ka na ngayun ah.. “
“Sa ka-work ko yan, hiniram ko lang.”
“Patingin.” binigay naman niya. Ininspeksyon ko ang singsing. Confirmed na couple’s ring ito. May initials na “R-C” at “I love thee..”
**Minsan na kaming nanood ng Romeo and Juliet sa bahay nila. Meron din silang couple’s ring na nakalagay: —I love thee—
“Hon, gusto ko din ‘I love thee’ naka-engrave sa singsing nten ha.. Yoko ng iloveyou kasi common. Mas sosyal pag old english ung style.”
“Sige hon, papagawa tayo nun.. tapos di natin isusuot as ring, gagawin nten kwintas parang sa Lord of the Rings!”**
“Ouch.” sabi ko. Natunugan ko na sya ung letter R dun. Woman’s instinct. Namanhid ang buong katawan ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gusto kong maglumpasay at ngumawa, yung malakas na malakas. Nangingilid ang luha ko at kinurap kurap ko lang ito ng madaming beses. Sobrang sakit. Sobrang sobrang sakit. Tatlong buwan lang wala na agad ang anim na taong pinagsamahan.
“Oh, di ako yan ha.. haha.. nakakatawa ka..”
“Eh anu naman kung ikaw ung R dito? Sino ba si C?” matapang at pa-cool ko pang tanong..
“Sa ka-work ko yan. Lalake po. Nakalimutan ko palang ibalik sa kanila yan kanina.”
Nagpapasalamat ako sa mga oras na ito na nagsisinungaling siya sken.. kundi, sasabog na talaga ang dibdib ko..
“Sige nga, kung sa ka-work mo to, pahiram muna ako..”
“Eh hahanapin yan sken bukas.”
“Edi ibabalik ko sau bukas. Sabihin mo iniwan mo sa bag ng girlfriend mo.”-
Nakalimutan kong di na pala niya ako girlfriend.
Sa panahong ito, tapos na siyang kumain at hindi ko man lang nagalaw ang inorder niya para sakin.
“Kumain ka na kaya. Sasayangin mo lang inorder ko nyan eh. Don’t tell me di mo yan kakainin?”
Deadma lang ako sa food. Hindi ko pa rin inaabot ang singsing pabalik sa kanya. Nag-aabang siya.
Awkward silence. Nakayuko lang ako at nakatitig sa singsing. Alam niyang iiyak nako. Nakikita niyang nanginginig na ang mga labi ko. Ayaw niyang makitang umiyak ako. Parang gusto niyang makaalis bago pa man yun mangyari.
“Akin na nga yan!” napipikon niyang sabi.
Hindi ako makatingin. Hindi ako makakilos. Tumulo na ang luha ko.
“Ano mo ba ako? Di ba ikaw nakipaghiwalay saken? Edi hindi na kita girlfriend!…. “
Andami-dami niya pang sinabi.. Sa sobrang sakit nabingi ako.. Hindi ko na narinig yung iba.. Lumabo din ung mata ko dahil sa tuloy-tuloy na tagaktak ng luha.
Malabo ang tingin ko sa kanya. Malabo din ang mga sinasabi niya. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Sa pagkakataong ito naactivate ang selective hearing skills ko. Meron pala ako nun.
Inabot ko na ang singsing pabalik sa kanya. Natatandaan ko pa ang galit niyang mukha. Pikon na pikon sken.
Yung smile niya kanina nung nakita ako, nawala. Nasayang. Sana di ko na lang siya ginalit para kahit sa huling pagkikita namin, nakangiti siya. Sana baon ko yun.
Huli na ang lahat. Galit na siya.
“Di ka ba talaga kakain? Aalis nako. Magkikita kami ni Kuya may iaabot sya saken.”
Umiiyak nako.. Di nako makapagsalita. Nakatakip ang kamay ko sa mukha ko. Sinisilip ko pa din sya. Tinatapik niya ang kamay ko.
“Huuy, kailangan ko na talagang umalis.. “
Iyak lang ako ng iyak. Nawala na ang composure ko. Di ko yun gustong makita niya dahil sanay sya na isa akong confident person. Pero sa pagkakataong yun, sumurrender na ang emosyon ko. Gusto kong malaman niya na nasasaktan ako. Na di ko sya kayang mawala sa akin. Na nahihirapan ako. Na nagmamakaawa ako. Na nagdurusa ako sa pagkawala niya.
Pero di ko natinag ang puso niya. Tumayo siya at niyakap niya ako. Bumulong siya sa tenga ko.
“I’m sorry, I have to go.”
Sabay halik sa bumbunan ko. At tumalikod papalayo.
Gustong-gusto ko siyang habulin kaso maga na ang mukha ko kakaiyak.. Hinayaan ko na siyang umalis. Di ako natinag sa pagkakaupo ko. Literal na ngumangawa ako saksi ang mga janitors ng Jollibee.
“Tahan na maam”, habang nagmo-mop sila sa paligid ng lamesa ko.
At nagpatugtog pa sila ng MYMP song na Now — there’s a reason why we love each other now.. and we don’t know if this love’s forever..
Wala na akong pakialam kung mukha na akong tanga. Mahigit isang oras bago humupa ang luha ko. Isang matinding iyak na di ko kayang pigilan. Sige buhos lang.
Nagmarka ang araw na ito sa akin. Sa nagbabasa nito, kahit sinong taong kasama mo at nakita mong umiiyak, samahan mo lang.. hindi ito dapat iniiwanan. The most painful thing ever - at hindi ko hihilinging mangyari ito kahit kanino.
Wala na siyang pakialam talaga. Wala na siya. Tapos na nga.
“What hurts the most is being so close and having so much to say, but watching you walk away. Never knowing what could have been. And not seeing that loving you is what I was tryin’ to do..”
0 notes















